Kampihan at barahan

Kampihan at barahan

Bigla kong naalala ang isa sa mga kalokohan namin nung high school. Pag may nagsalita o sumubok ng joke tapos tunog corny, sisigaw lahat,

“Weeeeeeehhhhh!!!”

Tapos, related dito, meron ding mga pa-joke na hiritan or barahan. Pa-witty-han ng hirit, talo ka kapag di ka nakabanat pabalik.

Looking back, these could be harmless humor, but doesn’t this encapsulate our norms? Madali tayo maantig ng mga matatamis o mga bonggang palabas o kaya online rambol. I feel, therefore I am.

Kampihan sa UAAP. Trash talks. In good fun, ok lang. Pero pag dinala sa pulitika o kaya sa trabaho, nagiging toxic at troll-ish.

Masarap kumampi sa lamang kasi masarap yung feeling ng nananalo. Siguro, sa hirap ng buhay natin, bumabawi na lang tayo sa mga pagkakataon na pwedeng kumampi sa sure-win. Para kahit paano, maramdaman natin manalo kahit minsan.

Pero, pagkatapos, ano na?

Panalo sa laban ang team mo, so, ano na?

Sa sobrang witty ng clapback mo, napatahimik mo ang bashers mo, so, ano na?

Napaiyak mo ang pinikon mo, so, ano na?

Para ba itong NBA, pagkatapos may mag-champion, offseason na, tapos kalimutan na?

Hindi dapat. Hindi pwede ang ganon sa demokrasya at sa lipunan. Kailangan trabahuin. We hold the electoral winners accountable.

Hanapan natin ng ebidensya. Kung mga players nga sobrang daming advanced analytics, bakit hindi natin hanapan kahit simpleng track record lang ang mga pinuno natin?

Hindi tayo naghahalal ng pinuno para ma-validate ang sarili natin na “Tama ako ng kinampihan! Panalo! Panis ka!”

Naghahalal tayo dahil nagtitiwala tayo sa pinuno, at ang dapat natin i-validate, kung natutupad niya ba ang pangako niya.

Dahil ang bangungot na gusto nating iwasan, kapag humihirit na tayo o naniningil ng resibo, bigla lang tayo babarahin ng mga lider natin, sabay sigaw satin nang nakangisi,

“Weeeeeeehhhhh!!!”


John 10:22-30. The works I do in my Father’s name testify to me

[DAILY GOSPEL INSIGHTS AND REFLECTION FOR MANAGEMENT AND ORGANIZATION 130: MAY 10, 2022]

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *