Who is the servant and who is the master?

Who is the servant and who is the master?

Ikatlong araw matapos ng eleksyon, sinusubukan ko na mas kilalanin si BBM bilang isang pinuno base sa mga interviews niya. Habang pinapanood ko ang CNN interview niya (https://youtu.be/dyqqx67rwAk), napakwento si BBM tungkol sa karanasan nilang pamilya nung bata pa siya.

Sinabihan daw siya ng kanyang tatay na lahat ng tinatamasa nilang kasaganahan ay dahil sa mga Pilipino. (Hmm. This could be interpreted in both positive and negative perspectives, right?)

Kung ihahambing natin sa pananampalataya natin bilang mga Kristiyano at Katoliko, mismong si Hesus ang huwaran natin pagdating sa “servant leadership”. Tila bang binaliktad Niya ang nakagawian natin na tradisyon: hari na siyang dating pinaglilingkuran ay ngayo’y dapat na naglilingkod para sa lipunan niya.

Kung Siya nang tinuturing nating Diyos ang nagsasabi na ang isang lider ay dapat naglilingkod at hindi pinaglilingkuran, sinong tao lamang ang makakapagsabi na siya ang dapat paglingkuran? Parang wala yata dapat.

Ang tingin ko, ang tunay na “unity” ay dapat tunay na nakikiisa sa hirap at laban ng ordinaryong Pilipino. Sana nga ay pangatawanan ng UniTeam na tunay nilang pagsisilbihan ang bayan.

Sana ay maglabas na sila ng mas detalyadong mga plano para sa bansa.


John 13:16-20. Master and servant

[DAILY GOSPEL INSIGHTS AND REFLECTION FOR MANAGEMENT AND ORGANIZATION 132: MAY 12, 2022]

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *