“Pakiramdaman” versus “pakiramdam”

“Pakiramdaman” versus “pakiramdam”

Natutuwa po ako na may mga estudyante at mga kaibigan na nag-PM o nag-comment tungkol sa mga pagninilay ko. I feel fulfilled that my election and politics-related reflections helped others make sense or acquire more meaning in this “darkness” of confusion, uncertainty, and anxiety.

Isa sa mga puna sa mga botanteng Pilipino ay masyadong emosyonal bumoto at di siniseryoso ang halalan (“eleksyon lang yan!”). Masyadong naka-base sa personal na pakiramdam.

Napaisip lang ako bigla – diba ang mga Pilipino rin ang magagaling sa “pakiramdaman”? Magaling tayong umalam kung ano ang pulso ng isang grupo at umayon na hindi maka-istorbo o direktang kumompronta dito. May mga oras na nakakainis ang pakiramdaman kasi imbis na sabihin na lang, paliguy-ligoy pa.

Pero nasaan kaya ang pakiramdaman habang eleksyon? Masyado na ba tayong nakatuon sa personal na pakiramdam at kampihan, na pinipigilan natin na pakiramdaman ang iba?

Bakit kapag usaping pulitika, parang nagiging pustahan ang labanan?

Kaya naniniwala ako sa mensahe na “radikal na pagmamahal”. Mas tinitignan ko ito bilang “unconditional love”. May mga nakikita ako sa Facebook at Reddit na ginagawa itong “radikal manampal” at sinasabing “tough love” naman. Gets ko ito parehas. Marahil ay ang hirap ng standard ng “radikal magmahal” at mas masarap din magsabi ng “sinabi ko na sayo eh, ginawa mo pa rin! Heto, maturuan nga kita ng leksyon!”

Baka idealistic masyado, pero mas nababagay sa kultura natin ang radikal na pagmamahal at pakiramdaman. Pwede rin naman tayong magparanas ng “tough love” na hindi nakatuon sa pakiramdam na “vindication”.

Siguro, mas ituon natin ang “tough love” sa mga pinunong hinalal natin. Bumoto man sa kanila o hindi, ginusto nilang maupo sa pwesto.

Pwes, hihingan natin sila ng resibo.


John 14:1-6. Do not let your hearts be troubled.

[DAILY GOSPEL INSIGHTS AND REFLECTION FOR MANAGEMENT AND ORGANIZATION 133: MAY 13, 2022]

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *