Liwanag sa dilim at “unity”
Liwanag sa dilim at “unity”
Two days after the election, para bang mas nag-sink in sa akin na ito na talaga ang estado ng pulitika at ng Pilipinas. Mas emotional ako ngayon, at napaluha ako habang homily ng DLSU community online mass kanina. Swak na swak kasi ang ebanghelyo ngayon. Literal na nitong mga nakaraang araw, karamihan ng sumasagi sa utak ko, kung ano ba ang magiging kinabukasan natin.
Sa mga nakikita ko sa news feed ko at sa mga kaibigan kong kakampinks, iba-iba ang coping mechanism. May galit. May malungkot. May mga gustong mag-move on na rin at tanggapin na agad ang pagkatalo. Ang coping mechanism ko ay magsulat ng mga pagninilay ko, para maisaayos ko ang naiisip at nararamdaman ko.
May mga pro-BBM naman na isinasabuhay ang campaign message na “unity” at nagpapakita ng optimism at nirerespeto kahit paano ang “pagluluksa” ng kakampinks (dito ako umaasa na sana tama nga po kayo at makakapagtulungan pa rin tayo). May iilan naman na medyo mapang-asar ang tono, puro trash talk lang ang alam (ignore na lang!).
Maliban sa “unity”, magiging focus daw ng bagong administration ang ekonomiya at oil prices. Mukhang si Sara na rin ang magiging secretary ng DepEd. Maliban dito, hindi pa klaro kung ano ang mga susunod na habang at plano. Ika nga ni BBM sa mga presidential interviews niya, ayaw nila magplano beyond May 9, hanggang di pa sigurado na panalo na sila sa eleksyon. Marahil ito ang nagbibigay ng pakiramdam na “madalim” o walang katiyakan, kasi hindi pa nakalatag ang mga plano nila.
Kung tinatadhana na maulit ang kasaysayan, hindi natin masisisi ang mga hindi pabor kay BBM na makadama ng takot. Well-documented ang mga masasamang nangyari nung panahon ng tatay niya, at ni minsan, hindi humingi ng paumanhin ang kampo nila dito. Medyo fascinating: may sinabi si BBM, “Judge me not by my ancestors, but by my actions.” (https://www.bbc.com/news/world-asia-61381594)
Supporter man ng UniTeam o mapa-kakampink, sabihin na natin na bilang mamamayang Pilipino, responsibilidad natin na maghanap ng resibo mula sa mga hinalal natin.
Sa mga tulad kong nakakaramdam na parang naliligaw sa dilim, siguro ang hamon sa atin ay suyurin ang Liwanag; at parang mga kandila, sana ay mahawaan Niya tayo ng alab ng katotohanan, tapang, hustisya, at radikal na pagmamahal.
Si BBM na mismo ang nagsabi, “Judge me not by my ancestors, but by my actions.”
Sinulat nga ni Rico Blanco,
“At sa paghamon mo sa agos ng ating kasaysayan
Uukit ka ng bagong daan, oh, oh-oh (oh-oh)
Ikaw ang aawit ng, ‘Kaya mo ‘to’
‘Sang panalangin sa gitna ng gulo”,
Tumindig tayo at magsilbing liwanag sa dilim, para sa isa’ t isa, at para sa bayan. Tututukan natin na isabuhay nila ang “unity” na pinangako nila.
—
John 12:44-50. I came into the world as light
[DAILY GOSPEL INSIGHTS AND REFLECTION FOR MANAGEMENT AND ORGANIZATION 131: MAY 11, 2022]
Leave a Reply
Want to join the discussion?Feel free to contribute!