Radikal na pagmamahal o radikal na pananampal?
Radikal na pagmamahal o radikal na pananampal?
I admit: medyo guilty pleasure na basahin ang subreddit na ito – https://www.reddit.com/r/LeopardsAteMyFacePH/
Dito natin makikita at mararamdaman na napakahirap ng utos ni Lord na “love one another as I have loved you.” Itong kautusan na ito ang pinakahalimbawa ng radikal na pagmamahal. Kapag tinatanong ko ang mga kakilala kong kakampink, mapapaisip ka rin naman talaga:
Bakit mo mamahalin ang mga nang-troll sayo at sila pa ang nauna manakit?
Bakit mo mamahalin ang mga nang-asar at minaliit ang eleksyon, pero pagkatapos, mangungutang nang parang wala lang nangyari?
Para sa akin, malinaw ang next steps na sinabi ni VP Leni: tanggapin ang resulta at ang gusto ng majority. Ngunit di tayo titigil na i-call out ang fake news at disinformation. Ibabaling natin ang momentum at stamina sa isang development effort sa pamamagitan ng Angat Buhay NGO na ilulunsad sa unang araw ng Hulyo. Nakaka-excite: imagine the biggest organized volunteer effort that can transcend political and societal boundaries.
At higit sa lahat, walang tatalikuran sa mga nangangailangan ng tulong, kahit sino pa ang binoto.
Parang ang idealistic masyado, ano? Pero kailangan natin pangatawanan ito.
John 15:9-17. Love one another as I have loved you
[DAILY GOSPEL INSIGHTS AND REFLECTION FOR MANAGEMENT AND ORGANIZATION 134: MAY 14, 2022]
Leave a Reply
Want to join the discussion?Feel free to contribute!