Lack of Policies or Lack of Execution?
Another corruption and graft related issue has surfaced in the Philippines. According to Inquirer.net, there are officials who allegedly directed their pork barrel funds to bogus NGOs so as to pocket their assets.
This is a bit frustrating, especially since this gives NGOs more negative publicity. Yes, perhaps there may be some organizations who are merely tax shields or are indeed “ghosts” that suck the funds out of the tax-funded pork barrels for the personal gain of those in power. But the true NGOs suffer from this as well; those who pursue social good with integrity and sacrifice. Perhaps social enterprises may suffer from these kinds of things as well as this may destroy reputations of organizations that pursue the common good.
On to the topic of this blog post, is it about the lack of policies or the lack of execution?
According to my professors in DLSU, the Philippines have good laws related to preventing corruption. However, there is indeed a lack of implementation – a lack of execution.
I think it is time that the public be the one to execute the law through public demand, or public pressure. If we can find a way to utilize, harness, organize or even systematize the People Power phenomenon, then we can be the watchdogs of corruption. The dawn of this digital era amplified with smartphones capable of using social media, cameras and digital recorders can serve as the country’s CCTV in looking out for undesirable actions from those in power.
Perhaps there should be pressure for every organization to be transparent. If we can harness the all-seeing eye of this becoming increasingly digital world, then we can demand transparency from all kinds of organizations. This will make covering the tracks of corruption harder. This will put pressure to those in power to really invest in projects that contribute to the common good.
Let the mass media news always show a regular update on transparency reports from officials. Let social media news websites raise discussions and fora related to these kinds of issues.
For far too long we have been searching for the medium by which we can amplify our eyes. We have wished for Superman-like x-ray vision to determine proofs of corruption looming behind those promises of those in power. Let us use the power of our digital era and be the ones to execute our policies.
Kung tutuusin, sabi na nga nila, mahirap ang puro sulat o salita lamang kung kulang ng gawa. Ang mga kaluluwa ng ating paggawa – mga konsepto, sulatin, pangarap, ideyalismo, prinsipyo – ay hindi bulag sa mali o sa mga bagay na kailangan pang baguhin o pagtuunan ng pansin. Alam natin ito, nakikita natin, at mukhang naiisipan natin ng paraan kung paano gagawan ng paraan. Ngunit na saan ang anyong pisikal? Na saan ang laman at buto na handang makipagsapalaran upang itaguyod ang bandera ng ating pinaniniwalaan?
Alam natin na matagal na ang mga katanungang ito. Tayo’y umiikot sa orbit ng sumpa ng korupsyon, at kung walang bituing sasabog ay hindi tayo basta nalang makakawala sa tanikala ng “gravity” o magnetismong nagpapanatili sa atin sa siklong ito. Para na tayong si Sisyphus o si Bernardo Carpio, paulit-ulit, naiipit. Kailan natin ito wawakasan? O ang tanong, kaya ba nating wakasan?
Malaki ang paghanga ko sa ating mga Pilipino; malaki rin ang panghihinayang. Maraming panahon na tayong natulog na parang si Pinatubo –minsan lang aalma, sasabog: nakakatakot ngunit isang ulit lang. Kailan ang susunod? Ngunit sa kabilang dako, marami rin sa atin ang mga langgam na aktibista, marami nga’y, maliliit naman; marami nga’y kalat-kalat parin, walang isang aksyon at layunin.
Ngunit tulad nga ng sabi ng mga propesor ni Patch, meron na tayong mga batas na dapat ipinapatupad. Batas na kung atin lang masuportahan at mabigyan ng ating tiwala ay magiging isang lubid na ating makakapitan. Oo, may panahong mapipigtal din ang lubid, ngunit ang kailangan natin ay ang mga bagong mambabatas na ating pagkakatiwalaang muling mag-aabot sa atin ng lubid na hihila sa atin pataas. Kung ang blog na ito ay nagtatanong kung kulang nga ba sa polisiya o kulang lang sa pagpapatupad, nais kong isingit kahit pa paano ang kakulangan sa “vision”.
Sana, ang bawat isa sa atin ay may vision para sa Pilipinas. Isang Pilipinas na handang tumugon sa ating mga vision. Unti-unti natin makikita, baka makilala pa, silang meron na. Makipagtalastasan. Maghawaan tayo ng vision, at malay natin, malay lang natin, umusbong ang “Pilipinas”. Vision para sa kabutihan ng lahat.
(Note: I’ve been seeing lots of mission-vision papers or posters on establishment walls. are they part of Philippines having greater visions? Again, we go back to what we say, these souls need flesh. We must keep on empowering everyone; thus, this blog’s title, a question of action.)
Salamat sa napakagandang komento mo, Siglo. 🙂
Ang pinakanagustuhan ko sa iyong mga sinulat ay ito: “These souls need flesh.” Nakakahinayang lang talaga ang mga nangyayari.
Pero kung tutuusin matagal naman nang talaga nangyayari ‘to eh. Ang tanong: bakit may nag-whistleblow? Bakit sa wakas, may balak na rin magpatupad ng batas na natutulog?
Naniniwala ako sa karma, at naniniwala ako na ang buhay ay isang lipon ng mga siklo, may mga maliliit, may mga malalaki. Isinasa-Diyos ko na lamang na ang mga di kanais-nais na mga pangyayaring ito ay isang munting kaganapan lang sa mga mata ng Diyos – isang siklo na lilipas din, iikot din. Ang tanging hiling ko lang ay sa “lifetime” natin makamit, o kahit maitanim lamang, ang totoong binhi na siyang sasagupa sa mga problemang ito.
Ngunit nadarama ko na; kaya naman nang masimulan. Hindi ko alam kung paano eksakto, pero kakayanin yan.
Di mawawala sakin ang idealismo at romantic na paglalayong magsiklab muli ang Pinatubo ng kagalingan ng Pilipinas – at sana naman, tuluy-tuloy na.